ito ang simula ng panibagong kabanata ng buhay ko sa mongolia. isang ganap na ofw. dating volunteer pero sa mga susunod na buwan ay isa nang tunay na manggagawa para sa kabuhayan. nakakapanibago rin pero dahil di naman nagbago ang aking kapaligiran maliban sa lumipat ako ng bahay at opisina, hindi ko na masyadong naramdaman ang pagpapalit ng estado.
ako ang tanging banyaga sa aming grupo. napapasubo na nga ang aking dila sa pagsasalita ng katutubong wika. at mukhang pati ang aking punto ay nababahiran na ng kanilang indayog ng pagsasalita. nagbiro nga ako minsan. ang aking ingles ay puntong british, american at mongolian. tumawa lang ang mga nakarinig. pero minsan totoo ito. masyado kasing isinasaalang-alang ang kausap kaya napapabagal at pinipiling mabuti ang mga salitang gagamitin. ayaw man pero nadidikit din maski papaano sa aking dila ang paraan ng kanilang pagbigkas. dinadaan ko na lang sa iling at tawa.
bago ako nagsimula sa bagong trabaho, inisip ko nang dagdagan ang aking mangilan-ngilang piraso ng amerkana o ’suit’. pero napansin ko, hindi naman ganun kapormal ang suot ng aking mga kasamahan maliban sa mga managers at directors. palibhasa kokonti lang kaming lalaki at sila ay mga bata pa at di pa matataas ang antas ng trabaho. naisip ko tuloy saka na lang bumili at siya pang maitatabi para sa hinaharap. magaling naman ako sa mix n match o mismatch. ok din yata ako sa pagrerecycle ng damit pamporma.
biyernes na naman. dati nauubos ang weekend ko sa gawaing bahay – palengke, linis, laba atbp. ganun pa rin ngayon. kaya lang mukhang naparami ang aking social obligations. tawag ko rito ay ministry. kunsabagay lumawak na rin kasi ang aking social circle. maliban sa lumalaking komunidad ng mga pinoy, lumalaki na rin ang aking social network sa mga katutubo at ibang lahi. kasi kaibigan ng kaibigan ng kaibigan ko. parang ganun.
ah, para ding sa dati. humahaba lang ang kuwento.
No Comments Yet
No comments yet.
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
