nagsimula na ang tag-araw at ang mga katutubo lalo na ang mga kababaihan ay nagsimula ng magsuot ng modang pangtag-init. ibig sabihin nito, ang maiigsing manggas, shorts, at mababang necklines ay magiging palasak na naman. at nagsimula na nga.
kanina lang habang ako’y naglalakad, may nakasalubong akong seksing babae – maputi, makinis, at bata pa. ayos na sana pero hindi nakalampas sa paningin ko ang mga panguluting balahibo na nakasilip sa may bandang kilikili niya. sa mga katutubong babae, hindi uso o kultura ang mag-ahit o magbunot ng ganitong buhok o balahibo. ito ay iniuugnay lamang sa mga babaeng paka o pokpok ika nga. ganyan ang kanilang nakagawiang isipin.
marami na rin sa mga kabataan ang natututong mag-ahit. ewan ko ba, pero ang kilay na kinokorte at nililinyahan ay ayos lang sa kanila, na kung tutuusin ay maaari ding iugnay sa mga babaeng mababa ang lipad.
ito ang mongolia. ganyan talaga sila. pasasaan nga ba’t darating din sila marahil sa kaisipang nakagawian na nating mga pinoy. palagay ko, wala ring pinagkaiba ang mga kababaihan sa atin noong araw – noong wala pang kalakal sa mga tagakaratig-bansa at di pa tayo nasasakop ng mga kastila, kano at sakang.
No Comments Yet
No comments yet.
Comments RSS TrackBack Identifier URI
Leave a comment
