dapithapon ng mongol

padilim na

sinag ng araw ay bahagya

nang maaninag

mga gusali’y

ilawang wari

mga alitaptap

na nag-umpok

palabas ng sisidlang

lungga.

mausok na

nagpapausok pa

humahangos patungo

sa kung saan

baka tutungga

sumandali o

pangtumbaan

ng mainit na likido

sa lalamunang

maghapong nagwawala

sa unday ng gawa.

marahil aabutan

din ng pahinga

baka sa kalsada

kukumutan ng ginaw

ng kawalan

ng alaala.

No Comments Yet

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a comment