ikalawang taglagas

Nangalanta na nga
At nangawala na
Ang mga dahon ng aspen.
Paginaw na rin.
Nahulog na nga
Ang unang niyebe.
Di pa man pasko’y
Ngatog na ang tuhod
Sa paggising
Ng madaling araw.
Umaga na
Tila gabi pa
Sa dilim at kawalan 
Ng liwanag
Na dati’y kakambal
Ng pagbangon
Sa umaga.

No Comments Yet

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a comment