pusoy 2

ub-020.jpg

ewan ko kung saan o paano ito nagsimula sa pilipinas. pero isa ulit itong pinoy invention sa wari ko. dati hindi ko ito pinagtutuunang pansin dahil  yung ordinaryong pusoy na nga lang e dati din akong naguguluhan, ito pa kaya? pero sa madaling salita, nitong huli na may nagtiyaga sa aking magturo kung paano ito nilalaro e nabuhay ang aking interes.

at naglaro nga kami. 3 bihasa ang mga naging kaharap ko. nagkasunodsunod ang panalo ko. nakantiyawan tuloy, dati na raw akong  marunong. nagpapanggap lang na hindi.  sa katunayan, sadyang noon ko lang ito nalaro. dahil sa baguhan, madalas pa nga e iba rin ang istilo ko. sabi pa nila, nakakasirang diskarte dahil hindi ayon sa karaniwang ayos ng naglalaro.

natapos ang laro. masaya. magulo. makantiyaw. siyempre, may taluna’t panalo. pero hindi mo matatawaran ang samahan. hindi kami lahat pinoy pero walang pinagkaiba kung nasa ‘pinas ka. maharot ang tawanan. sa salitang banyaga man minsan ang kuwentuhan pero pinoy pa rin ang yari ng usapan.

nakaka-miss ang ‘pinas.  

No Comments Yet

No comments yet.

Comments RSS TrackBack Identifier URI

Leave a comment